• Джакарта
  • Sentul International Convention Center
  • Mainit namin kayong tinatanggap
  • Maligayang Pagdating sa Indonesia
Nakaraan Susunod

Selamat Datang!

Maligayang pagdating sa pinakamalaking arkipelago sa buong mundo! Ang Indonesia ay pinag-uugnay ng kabigha-bighaning mga isla sa Karagatang India na kung saan mainit kayong tatanggapin ng mga kapatid mula sa iba't ibang mga tribo at kultura. Makakasama ba namin kayo sa Pantanging Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Jakarta? Lubos kaming umaasa!

Mahigit limampung taon na ang nakararaan nang huli kaming mag-host ng pantanging kombensiyon. 'Nananabik kaming makita kayo' sa espirituwal na kapistahang ito nang sa gayon ay 'mapuspos tayo ng kagalakan' na magkakasama. (2 Timoteo 1:4) Isa ngang nakaaantig-pusong pribilehiyo na maipahayag namin ang aming pagkamapagpatuloy sa inyo mga minamahal naming mga kapatid. Gumagawa na kami ng mga paghahanda para maging kasiya-siya ang inyong pagbisita.

Napapaisip na ba kayo kung ano ang inyong makikita at mararanasan dito? Inaanyayahan namin kayo na tingnan ang mga larawan at kapana-panabik na mga impormasyon na aming ibinabahagi tungkol sa aming bansa. Hangad namin na ang patikim na mga impormasyong ito ay magdadala sa inyo ng higit pa.

Maligayang paghahanda sa inyong paglalakbay!

Ang inyong mga kapatid sa Indonesia

Logo

Petsa

Nobyembre 2017

Naimbitahang mga Bansa

Australya

Estados Unidos

Hapon

Malaysia

Papua New Guinea

Pilipinas

Rusya

Thailand

Vietnam

Jakarta, Indonesia Papua New Guinea Australya Malaysia Pilipinas Hapon Rusya Estados Unidos Thailand Vietnam